PRECIOUS AMBER RODRIGUEZ POV
"MOM, kumusta na po kayo? Sorry po kung ngayun na lang ulit ako nakadalaw sa inyo." mahina kong usal pagkatapos kong ipatong ang dala kong isang bugkos ng bulakalak sa puntod nito. Samantalang si Lucian naman ay kusa na din itong nagsindi ng kandila. Pagkatapos noon, tahimik itong tumayo tabi ko habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa puntod ni Mommy.
Parang kailan lang. Kay bilis ng panahon. Halos anim na taon ko na siyang hindi kasama pero sariwa pa rin sa alaala ko noong magkasama kaming nilalabanan ang hirap ng buhay.
"Mom, nakita niyo po ba? Ikinasal na po ako. Ikinasal na po ako sa lalaking hindi ko akalain na kaya din pala akong mahalin. I am so happy, Mom! At least, hindi ko man kayo nakakasama na, alam kong may isang tao na handa akong alagaan kailanman!" muli kong sambit. HIndi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Sobrang namimiss ko na siya pero alam ko na kung nasaan man siya ngayun, alam kong tahimik na din si