“KYLIE!”
Dali-daling lumapit si Eugene sa anak nang makita niya itong umiiyak sa sulok ng higaan na naroroon.
“Anak ayos ka lang ba?! Nasaan si mommy?!”
Doon lang napaangat nang tingin si Kylie dahil hindi niya nabosesan ang ama sa sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nang makilala si Eugene ay mas lalong napaiyak ang bata at niyakap ang ama.
“D-daddy! Nakaka-alala na po ako! Kinuha ni kuya Elijah si mommy! Tinutukan po siya ng baril sa ulo!”
Natigilan si Eugene dahil sa narinig. Una nalaman niya na naaalala na siya ng anak at masaya siya doon, pero nang sabihin nito ang ginawa ni Elijah sa asawa ay mas lalong sumiklab ang galit sa puso niya.
“Eugene! Ako nang bahala kay Kylie! Kailangan mong iligtas si Irene!”
“Tito Keith!”
Napalingon sila pareho sa nagsalita at agad na niyakap ni Kylie ang tito na matagal na niyang hindi nakikita. Niyakap naman siya pabalik ni Keith pero tumingin ito kay Eugene.
“Eugene tumatakbo ang oras!”
Dahil doon ay napatango si Eugene a