Pagbalik namin ni Jake ay siya namang pagbuhos ng ulan. Dahil sa malamig na simoy ng hangin kaya naman nakapagdesisyon kami na maligo sa likod ng room niya kung saan may maliit doon na hot spring. Ekslusibo ito para sa umuukupa ng room at bawat room ay may ganito.
Pareho kaming nakalublob ni Jake sa hindi masyadong mainit na tubig. Tanging bra at panty na lang ang suot ko habang siya ay naka-boxer shorts na lang din dahilan kung bakit ramdam ko ang mainit niyang katawan sa aking likuran.
Patalikod akong nakakandong sa kanya habang yakap-yakap niya ako sa baywang. Nakaharap kami sa isang maliit na fountain na malapit lamang ng hot spring. Doon ako nakatitig pero wala doon ang isipan ko.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa nakalantad kong balikat.
Tipid akong ngumiti.
Kahit naayos na ang problema at dapat ay mapanatag na ako pero hindi ko mapigilan ang mag-alala.
Natatakot akong harapin si Mrs. Corpuz. Alam ko kasing magkakaharap kami sa ayaw at sa gusto ko. Siya ang ina ng lalaking m