Kabanata 21: The Arrangement
Parang nayayanig ang kama ko sa lakas ng musika mula sa labas. Hindi naman iyon maririnig nang malakas kung nakasara ang kwarto ko.
Dumilat ako ngunit kaagad ring napapikit sa masakit na sinag ng araw.
Kinusot ko ang mga mata saka sandaling pumikit ulit at sa huli ay bumangon na. Bukas ang pintuan ng terasa. Nakatayo ang mayordoma sa terasa at nakapatong sa isang upuan habang nililinis ang salaming pintuan at pader ng kwarto. Ang makapal na kurtina ay nakahawi sa gilid.
"Ang lakas ng music?" Tumayo ako at nag-unat-unat.
"Ay! Good morning, Miss! Umpisa na kasi ng selebrasyon kaya dumating na ang sound system kanina. Saka, maaga ring umalis sina Sir Kade at ang girlfriend niya."
Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa digital clock. Alas nuebe na pala. Halos magmadaling araw na ako nakatulog kagabi dahil huli na nang dinalaw ako ng antok.
Ngayon pala ang balik ni Lauren sa siyudad. Ayos na kaya sila? Talaga bang may pinag-awayan sila?
"Si Pearl?" Tanong ko.
"