“Wala na si Claire? Paano nangyari ‘yun?” nanginginig hindi lang ang boses ni Nathalie kung hindi pati ang kanyang buong katawan. “‘Nay, anong nangyari? Di ba nasa poder mo si Claire? Paanong nangyaring wala na siya? Hindi mo naman basta pinapayagang umalis ‘yun, di ba?”
“N-nagpaalam siya sa akin na… dadalawin ang anak niya dahil may sakit. Hindi niya kayang sa telepono lang ito makausap.” nanginginig din ang boses ng nanay niya at hindi na halos makapagsalita. “Pinipigilan ko siya. Sabi ko, hintayin niya si Dario.” Si Dario ang tumatayong bodyguard ni Claire kapag umaalis ito. “Pero hindi niya na mahintay dahil nga pinabili ko saglit ng ilaw dahil pundido na ang ilaw sa cr.”
“Anong nangyari ‘nay?” umiiyak na siya. Alam niya hindi siya pwedeng maistress dahil sa kalagayan niya ngayon, pero hindi niya na mapigilan ang emosyon. Naghalo-halo na ang lahat ng nararamdaman niya. Ang pagkawala ng anak niya dahil sa kapabayaan niya, tapos eto naman ngayon, ang pagkamatay ni Claire.
Nag-aalala