“Baka tapusin ko muna po ang pag-aaral ko.” nahihiyang sagot ni Nathalie. Gusto niya, kung magkakaroon man siya ng sariling business ay galing sa hirap at pagod niya. Pero wala naman sigurong masama dahil asawa niya naman na si Caleb, at isa na rin siyang Lopez.
“Sige iha. Kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo lang ako.” iyon lang at umalis na ito. Mukhang naghihintay si Mrs. Lopez ng goodbye kiss, pero hindi ito pinansin ng asawa kaya natuon ang matalim na tingin nito kay Nathalie.
Si Andrea naman ay nasaktan at may kasamang inggit na naramdaman dahil sa tinuran ni Mr. Lopez. Bibigyan nito ng business si Nathalie ng walang kahirap-hirap, samantalang siya, heto at asa pa rin sa bigay ng parents niya.
“Andrea iha, kung magkakasundo si Caleb at ang daddy mo na magsosyo para bilhin ang Cabrera Group, magiging isang pamilya na talaga tayo. Ano sa tingin mo?” tanong ni Mrs. Lopez dito.
Napatango naman si Andrea kahit ang isip nito ay ang pagkainggit pa rin sa kakambal niya. “‘Yun naman po