Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Dumilat ako at binuksan ang lamp shade ko.
Pinatay ko ang aking alarm at tumingin sa kisame.
'Ayoko na agad mag-aral.'
Napabuntong hininga na lamang ako. Tumayo ako at tumingin sa salamin. Inayos ko ang gulo gulo kong buhok at pagkatapos ay kinuha ang cellphone ko.
7:30 palang naman, 9:30 ang pasok namin kaya matagal pa. Nag scroll muna ako sa instagram, biglang nag pop ang message ni Jethro kaya tinignan ko ito.
@J.Ashier: Aga magising ah, ano nakain mo?.
@Aleanduhh: Pake mo? Ikaw nga din ang aga magising.