HINDI PA RIN ako makapaniwala sa nakita kong ukit na buwan sa kanang braso ko nang nagdaang gabi. Lalo lamang nagulo ang utak ko ng maraming tanong na alam kong si Marcus lamang ang nakakaalam ng mga sagot na lalo kong gustong marinig ngayon. Gusto kong maintindihan ang nangyayari sa akin na animo ba'y alam niyang lahat iyon.
Mabilis akong lumabas ng bahay matapos kong isuot ang itim na leather jacket. Hindi ko alam kung ano'ng maririnig ko at malalaman, maging ang mararamdaman ko pero gusto kong malaman ang katotohanan sa likod ng ukit na buwan na lumitaw sa braso ko. Hindi ko iyon pwedeng balewalain dahil alam kong may malaking parte iyon sa pagkatao ko. Kailangan kong mabuo ang sarili ko sa mga bagay na iyon at baka sa pamamagitan niyon malaman ko kung kaninong panig dapat ako naroon at nagtitiwala.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras, binilisan ko ang pagtakbo ko para mas mabilis akong makarating sa village ng mga lobo kung saan alam kong doon ko mahahanap ang mga