Napakunot-noo niya sa narinig. “Siya 'yung first girlfriend mo? As in... si Doc Harper?”
Tumango si Caleb, bahagyang ngumiti ngunit kita pa rin ang lungkot sa mga mata nito. “Oo. Noon pa ’yon. Elementary pa lang kami, puppy love. Hindi naman seryoso.”
Hindi siya umimik. Kaya pala gano’n na lang ang concern ni Doc Harper. Kaya pala gusto nitong siya ang personal na mag-asikaso kay Caleb.
"Kuya... bakit mo ginawa 'to? Bakit mo naisipang tapusin ang buhay mo?"
Sandaling kinalimutan niya ang tungkol kay Harper. Gusto niyang kausapin ang kapatid kung bakit nagawa nitong maglaslas at tapusin ang buhay.
“Because I didn’t think I deserved to be loved. I thought Belle is already the one for me... sa kanya ko lang naramdaman na totoong nagmamahal ako. Pero wala din nangyari sa amin. Iniwan niya din ako nang hindi man lang tinanggap ang paliwanag ko.”
Lumapit si Hunter, umupo sa gilid ng kama. “You’re not perfect, bro... walang perpekto sa atin. Hindi pa huli ang lahat. Paglabas mo di