"Anak, hinihintay ko ang sagot mo. Hindi kita titigilan hangga't hindi kita napapapayag na bumalik dito sa Scotland!"
"O-kay, Mom... bigyan mo lang ako ng oras... aayusin ko muna ang lahat dito bago ko iwan ang mga negosyo ko," sagot niya sa ina. "I'll be there in two weeks," dagdag pa niya.
"Sige, anak. Hihintayin ka namin... Bye, I love you, baby."
"I love you too, Mom..." muli niyang pinatay ang telepono. Nalungkot siya sa desisyon niyang umalis ng bansa. Pero mas malulungkot siya kung mananatili siya doon dahil alam niyang masasaktan lang siya kapag nakita niyang masaya si Bebe sa piling ng ibang lalaki. Sa pangalawang pagkakataon, binigo siya nito.
Pangako niya sa sarili... hindi na siya magpapakatanga muli kay Bebe. Hindi na siya magpapadala sa nararamdaman niya.
Biglang tumulo ang luha niya habang iniisip ito. Ilang beses na ba siyang pina-iyak ni Bebe? Hindi alam ni Bebe na sa tuwing binibigo siya nito, palihim siyang umiiyak.
Tama nga siguro ang hinala niya na minana niya ito