Pagkababa ng telepono ng mommy niya ay nag-aalala na naman ito.
“Babe... kailan ba mahuhuli si Lindy nang matahimik na tayo?”
“Ang mabuti pa ay ‘wag muna tayong pagala-gala. Wala nang sasantuhin ang babaeng ‘yun. Nabalot na siya ng kasamaan.”
Hindi naman nagtagal ay dumating ang doktor na titingin sa kanila. Ginamot na din ang mga sugat niya. Si Rosabel, bagaman walang sugat, ay nagka-phobia. Nagiging matatakutin ito. Ang advice ng doktor ay ‘wag muna itong iwang mag-isa. Dapat ay lagi itong may kasama.
Nang umalis na ang doktor ay saka sila nagpanhik sa taas para magpahinga. Naiwan ang mga magulang niya sa dining habang nakikipag-usap na naman sa pulis sa telepono. Marahil ay nanghihingi ito ng proteksyon para sa kanila.
Akmang papasok na sila sa kani-kanilang kwarto nang hawakan ni Rosabel ang kamay niya.
“Gray... can I sleep in your room? I’m scared.”
Ipinilit siyang ngumiti sa nobya at hinaplos ang pisngi nito. “Of course, babe. We will sleep together. Babanatan kita.”
“S-Salamat.