“Mukhang excited ho kayong maka uwi ngayon boss?”
Seth’s eyes immediately darkened the moment he heard Robert speaks, his driver.
Isipin niya pa lamang na nag hihintay sa kanya ngayon sa bahay si Isabel ay kulang na lamang hilahin niya na ang oras para maka uwi na agad.
“Is it that obvious?”
Tinatamad niyang tanong sa kanyang bodyguard at driver na si Robert, napa ngisi naman ito saka nag umipsa nang mag maneho.
“Marami-rami ho itong pinamili niyo.”
Sabi pa ni Robert, agad pang napa ngiti si Seth nang minsang tapunan ng tingin ang ilang paper bags na maayos na naka lagay sa back seat ng sasakyan.
“I didn’t buy all those, inutos ko lang sa sekretarya ko. NI hindi ko nga alam kung tama ba ang mga pinamili niya para kay Isabel.”
Naiiling niyang sabi, napa ngisi naman si Robert.
May ilang taon na ring nag tatrabaho sa kanya si Robert, nag umpisa itong mag trabaho sa kanya bilang personal bodyguard, hanggang sa napagod na rin siya sa pag hahanap ng matinong driver kaya’t nag presinta itong