Naka simangot na naibato na lamang ni Izzy ang kanyang cellphone dahil sa matinding inis, panandalian pa siyang nakaramdam ng panghihinayang nang tumama iyon sa kanto ng kanyang papag at gumawa ng malakas na tunog.
Halos mag dadalawang lingo na rin kasi mula noong nagkaaway sila ni Carl, at halos mag da-dalawang lingo niya na rin itong sinusubukang kausapin.
Hindi niya na marahil mabilang kung maka ilang ulit niya na itong sinubukang tawagan, gaya ng kung ilang text messages na rin ang kanyang naipadala, may ilan pa sa mga text messages na iyon ay halos nag mamakawa na ang laman, nakikiusap na kung maari siya nitong kitain, harapin para magkausap sila ng maayos at halos mag da-dalawang lingo na rin siyang bigo.
Marahas na napabuga ng hangin si Izzy saka pinili na lamang na mag ayos, araw ngayon ng kanilang pag pa-practice para sa kanilang graduation sa susunod na lingo, ang kanyang mga ka-batchmates at kaklase ay abala na sa pag aasikaso sa mga importanteng papeles para sa kanilang pa