Bahagyang nasapo ni Izzy ang sariling ulo nang maramdaman ang bahagyang pangingirot niyon. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata saka napa kunot-noo matapos mapansing hindi pamilyar sa kanya ang silid maging ang malaking kamang kanyang hinihigan.
Ano ba ang nangyari?
Tanong niya sa sarili sabay inikot ang tingin sa kabuuan ng silid. May kalakihan iyon ngunit mag isa lamang siya doon. Tuloy ay lalo lamang iyong nag padagdag sa nararamdaman niyang kaba.
Muli pang umikot ang kanyang tingin habang pilit na inaalala kung ano nga bang nangyari kagabi.
“Izzy!!!!”
Tila isang echo sa likod ng kanyang isipan ang malakas na sigaw na iyon ni Jane kasabay ng malalakas at sunod-sunod na busina ng parating na sasakyan.
“Na- nasagasaan ba ako?”
Nahintakutan niyang tanong saka marahang bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot na kama bago sinipat ang sariling katawan.
Wala naman siyang kahit na anong sugat, wala ring masakit sa kanya bukod sa kanyang ulo, pakiramdam niya ay tila iyon binaba