[Apol]
Parang bibigay ang mata niya sa antok habang kaharap dito si Mr. X sa dining table. Kung pwede lang na hindi siya humarap dito ngayon ay ginawa na niya. Hindi kasi siya nakatulog kagabi kakaisip sa demonyong hotdog na nakita niya. Iyon ang tawag niya dito kasi mala-demonyo sa laki, sa haba, sa taba, tapos maugat pa.
Hindi normal ang laki ng 'ano' nito. Nakakakilabot!
"Good morning."
Napakurap siya nang ilang beses. Sinundot din niya ang tenga niya para siguraduhin kung totoo ba ang narinig niya, baka kasi nabibingi lang siya.
"I said, good morning. Bakit parang gulat na gulat ka?" Dagdag pa nito.
Napanganga siya habang nanlalaki ang mata na nakatingin dito. Tama nga ang narinig niya, binati siya nito.
"G-Good morning din po. H-Hindi po ako nagulat. Nanibago lang po." Matapat niyang sagot. Hindi naman kasi ito bumabati sa kanya noon, ngayon lang. Kaya sino ang hindi magugulat?
Habang hinihintay na dumating ang mga pagkain ay pasimple niyang binantayan ang kilos nito. Wala nama