[Apol]
Hawak ang labi ay nakatitig siya sa kisame ng kwarto niya. Gabing-gabi na at hindi siya makatulog. Gumugulo sa isip niya ang paghalik sa kanya ni Mr. X.
'Get out!'
Napangiwi siya. Pagkatapos siyang halikan bigla nalang siyang sinigawan at pinalayas. Ito na nga ang kumuha ng first kiss niya. Tama, first kiss, hindi naman kasi siya nito hinalikan sa labi no'ng ikinasal silang dalawa.
Nagkatinginan sina Rima at Ester. Nagtataka ang mga ito na nakatingin sa kanya. Simula kasi nang magising siya ay narito na siya sa dirty kitchen at wala sa sarili.
"Ayos ka lang ba, Mrs. Helger?" Hindi nakatiis na tanong ni Rima.
"Oo, ayos lang ako." Wala sa sariling sagot niya.
"Kanina ka pa kasi nakahawak sa labi mo, nakagat ba ng putakte? O insekto 'yan? Masakit ba?" Tanong ni Ester.
"A-Ah, oo hehe. Malaking bubuyog ang s******p dito." Gwapong bubuyog na may matipunong katawan, may tattoo, at mabangong hininga...
"Mukhang hindi ka na naman nakatulog. Ano ba kasi ang iniisip mo? May problema ka