[Apol]
Humawak siya sa batok. Noong nakaraan pa siya kinikilabutan. Pakiramdam niya mayro'ng matang nakatingin sa kanya at nakamasid sa bawat galaw niya.
"Miss Carol, ayos ka lang po ba?" Nag aalalang tanong niya ng makita itong napapangiwi habang nakahawak sa likod.
"Ayos lang ako, Mrs. Helger. Ganito talaga kapag tumatanda, madalas ng sumakit ang likuran."
Inalalayan niya itong maupo. "Mabuti pa ay bigyan kita ng masahe, Miss Carol. Saan ba banda ang masakit?" Ganito ang ginagawa niya noon kapag masakit ang likod ng nanay niya. Binibigyan niya ito ng masahe sa likuran.
"Ayos ka lang ba, Mrs. Helger?" Tanong ng matanda nang mapansin ang pananahimik niya.
"Ah, opo. Naalala ko lang kasi ang nanay ko. Madalas ko kasi siyang bigyan ng masahe no'ng hindi pa niya kami iniiwan ni ate Alena." Malungkot siyang bumuntonghininga. "Bigla ko lang po silang namiss. Hindi ko rin po maiwasan ang malungkot dahil iniwan na nga ako ni nanay, iniwan pa ako ni ate Alena. Tapos hindi ko pa pwedeng alagaa