Cari
Pustaka
Beranda / Romance / MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X] / 37.

37.

Penulis: SEENMORE
2024-03-18 20:30:55
[Apol]

Tumingin siya sa lalaking walang malay na nakahandusay. Napapangiwing napahimas siya sa leeg. Mabuti nalang at matibay ang kwintas na binigay sa kanya ni Xerxes kahit peke. Iyon nga lang sobrang sakit ng leeg niya ngayon dahil sa paghila ng lalaking ito.

“Bwisit kasi na lalaking ‘to!” Malakas na sinipa niya sa pwețan ang lalaki. “Ang laki-laki ng katawan mong bwisit ka hindi ka magtrabaho ng marangal, mas pinili mo pa maging magnanakaw!” Kaasar. Bakit may ganitong klase ng tao? Mas gustong gumawa ng masama kaysa ang magtrabaho at magbanat ng buto.

Nakisipa na rin si Rima at Ester, mukhang gigil na gigil din ang dalawa. Hindi pa nakontento si Rima at sinabunutan nito ang lalaki.

“A-Aray tama na! Kanina pa kayo nakakasakit, ah!”

Naningkit ang mata niya. Ah gano’n, kunwari lang pala itong walang malay. Kung pwede lang siyang tumawag ng pulis ay kanina pa niya ginawa. Pero hindi pwede. Sigurado kasi na malalaman ng asawa niya ang paglabas niya kung isusuplong niya ang siraulong ito.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi