[Apol]
“Walanghiya ka, Camille!!!!” Umalingawngaw ang malakas niyang sigaw. Napatili ito sa takot ng hablutin niya ang buhok nito. “Kakalbuhin kita walanghiya ka! Uubusin ko lahat ng buhok mo at itatapon kita sa dagaaat!!!”
Dahil dito ay nalagay sa alanganin ang buhay niya! Akala niya ay tinulungan siya nito para makapasok sa magandang trabaho pero hindi pala! Akala niya ay kaibigan ang tingin nito sa kanya pero nagkamali siya.
Kung kaibigan ang tingin nito sa kanya bakit siya nito hinayaan na malagay sa kapahamakan!
“Kuya, help me! O-Ouch, ang buhoook ko!”
“Anong help me! Help mo mukha mo—“ Natigilan siya sa pagsabunot kay Camille. “Kuya?”
Ang sabi nila Rima at Ester ay narito ang pinsan ng asawa niya na si Cherry. Pero wala naman ibang tao dito maliban sa asawa niya at kay Camille.
Nasaan si Cherry? Bakit tinawag ni Camille na ‘kuya’ ang asawa niya—
Awang ang labi na tumayo siya. “H-Hindi…” Umiling siya. Sigurado na mali itong nasa isip niya.
“Leave up, Cherry.” Utos ni Xerxes.