Napahinto siya sa pagtype ng maramdaman na nakatingin sa kanya ang amo niya. Dahan-dahan siyang tumingin sa gawi nito.
Matiim ang tingin nito sa kanya—na para bang may binabantayan ang kilos niya. Tinaasan niya ito ng kilay at lihim na inirapan.
Mukhang binabantayan nito ang kilos niya, kasi sa tuwing titingin siya dito ay nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Mukhang naghihintay ang loko na makagawa siya ng mali.
Napahinto siya sa pag-iisip ng marinig ang paghingo ng yabag nito sa harapan niya.
“May kailangan ka, SIR?” Tanong niya dito ng magalang, na walang kangiti-ngiti sa labi. Bakit siya ngingiti dito. Eh di nagmukha pa siyang clown. Saka wala siyang balak makipagplastikan dito noh.
Nagtaas siya ng tingin ng hindi ito sumagot sa kanya. Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. “SIR?”
Nag-isang linya ang kilay nito na para bang hindi nagustuhan ang pagtawag niya.
Anong gusto nito? Babe? Adius? Umismid siya. Hinding-hindi na mangyayari yon noh. Dahil simula ng