Walang pag aatubiling isinaksak ni Xerxes ang patalim sa katawan ni Roi, ang nag iisa at natitira na lamang na miyembro ng pamilyang Choi.
Kutsilyo ang pinili niya na gamitin para mas madama nito ang sakit bago ito mamatay.
“Achkkk!” Huling unġol ni Roi sa matinding sakit nang mas ibaon pa ni Xerxes ang kutsilyo sa tagiliran nito.
Alam ni Xerxes ang tunay na plano ni Roi— Iyon ay gawing parausan si Apol kasama ng mga kapatid nito sa oras na maikasal na ito sa asawa niya. Ito ang gawain ng mga magkakapatid na Choi. Ginagawang sex slave ang sarili nilang mga asawa ng kanilang angkan.
“Mr. X,“ Lumapit si Lomer sa amo at yumukod. “Naubos na natin ang lahat ng tauhan at miyembro ng pamilya nila. Nalipol na namin ang lahat ng bangkay sa paligid. Ito na ang huling base na mayro’n ang mga Choi. Babalik na ba tayo sa Pilipinas?”
Tinulak ni Xerxes ang katawan ni Roi na wala nang buhay sa ibabaw ng mga tauhan nito na isa na ring malamig na bangkay.
Pinilig ni Xerxes ang ulo. He looked like a m