Malakas na hinampas ni Hersherys ang manibela ng makasakay ng kanyang sasakyan. Nagpupuyos ang kanyang dibdib sa galit at panibugho.
“No! Hindi ako papayag na mapunta si Adius sa iba! Hindi ako papayag!” Hilam ng luha ang kanyang mukha. Daig pa niya ang sinampal ng paulit-ulit ng ipamukha sa kanya ni Adius na wala na siyang halaga dito.
“Ano ang plano mo ngayon, Hers? Mukhang nahulog na talaga siya sa babaeng iyon. Kung bumalik ka sana agad ay hindi mangyayari ito!”
Nanlilisik ang mga mata na tumingin si Hersheys sa pinsan niyang si Jillian.
Nang malaman niya na may fiance na si Adius ay natakot siya na baka wala na siyang balikan. Kaya naman inutusan niya ito na pumasok bilang finance manager sa tulong ng tito niya, na ama nito. Inutusan niya ito na ipagkalat na ito ang fiance ni Adius habang inaalam nila kung sino ba ang fiance ni Adius.
Hindi siya nakipaghiwalay kay Adius, hindi rin ito nakipaghiwalay sa kanya. In short ay wala silang pormal na break up, kaya umasa siya