Nag aalalang lumapit si aling Erwina kay Apol ng makita ito. “Bakit narito ka? Dapat ay nasa ligtas na lugar ka na ngayon! Masyado nang magulo ang lugar at nagpapatayán na ang lahat! Sumama ka sa akin dadalhin kita sa’yong ina— ma’am Apol!” Tawag nito sa kanya ng tumakbo siya.
Kailangan niyang makita ang asawa niya— Nanlaki ang mata niya ng makita si Johnson, nagpapalinga-linga ito sa paligid habang may hawak itong baril.
Hindi kaya hinahanap nito ang asawa niya para saktan muli?
Naalala niya kung paano nito barilin ang asawa niya. Naalala niya kung paano bumagsak ang duguang katawan ng asawa niya na parang wala nang buhay sa mismong harapan niya. Hindi siya mamatay tao, iyon ang gusto niyang iukit sa utak niya, hindi na siya mananakit… pero sa sobrang galit niya ngayon ay naninikip ang dibdib niya.
“Ate Apol—“ Natigil sa pagsasalita si Johnson ng makita si Apol na may hawak ng baril at nakatutok sa kanya.
“S-sabi ko naman sa’yo diba, wag mo akong tatawagin na ate dahil hindi kita kap