Chapter 24
My FirstMag isa akong nakatayo sa waiting shed. Tulala, hindi maproseso ng aking utak ang mga nangyayari. Handa ba akong isuko ang nararamdaman?Kung magpaparaya ako, hindi ko masisira si kuya. Wala akong maaagrabyado. Kung hindi ako magpaparaya sa nararamdaman,marami akong masasaktan at mapapahamak. Alam kong masasaktan ako ng sobra, hindi lang ako kundi si kuya.
Ano bang dapat kong gawin? Ba't ang hirap mamuhay sa mundong ito?
Humakbang ako palabas ng waiting shed at napag isipang maglakad lakad. Gusto kong mapag isa at yakapin ang kalungkutan na nararamdaman.
Bumuhos ang patak ng ulan sa aking balat. Napatingala ako sa makulimlim na kalangitan. Imbes, ay mapait akong ngumiti sa kalangitan.
"Bakit ka nagpapaulan?" Napapitlag ako ng marinig ang isang boses sa aking likod.
"Sky!"
"Tss.." umirap ito at hinila ako pabalik sa shed. Kapwa na kami basa ng ulan.