Chapter 126:
Maliit na katok ang narinig niya mula sa labas ng kaniyang silid. Tumayo si Lila at agad na binuksan ang pintuan. Nakita niya si Darkin na umiiyak sa labas ng silid. Yumuko siya at humawak sa munting mga balikat ng anak.
“Dark, what happened?”
“S-Si Darvin, Mommy. H-He’s sick…”
Kinarga niya ang anak niya patungo sa silid nila ng kambal nito. Pinatayo niya sa tabi ng kama si Darkin nang makapasok na sila. Agad siyang umakyat sa kama at hinawakan ang kamay ng anak niya.
“Diyos ko,” bulong niya.
“M-Mommy? Isn’t my brother dying?”
“Darkin, huwag kang magsalita nang g-ganiyan.”
“P-President? C-Come back p-please…”
“Darv? Son, ano ang nararamdaman mo? It’s alright, Baby.”
Nanginginig na hinawakan niya ang noo ng anak niya. Kinabahan siya nang halos mapaso siya sa init ng temperatura ng kaniyang anak.
Tumalima siya at agad na kinuha ang thermometer na nasa drawer. Sinuksok niya ito sa kilikili ng anak niya at nang tumunog ito ay kaniyang tiningnan ang mga numerong nakapaskil d