Chapter 5 (4) To Protect Her
(Sera POV)
“Kaya mo na bang maglakad?”
“Kaya na ata.”
“Tss. Infection ang makukuha mo niyan.”
“Wag mo na akong buhatin. Alalayan mo na lang ako.” Na bahagyang nga ako napaatras sa kanya. Natatakot lang ako na baka… maghina na naman ang kalooban ko. Awkward na nga eh, kasi may nalalaman pang pahalik ang lalaking ito.
Parang pareho kaming nanghihina nga kapag malapit nga kaming dalawa. Parang magnet na hinihila… Ngunit hindi maari. PERIOD.
“Sino ang may sabi na bubuhatin kita? Nakita kitang nakapaglakad naman ng maayos papunta dito. Tsk. Inaartehan mo lang ako. Okey, award winning din umarte.”
Saka tinalikuran nga ako nito. Yung sugat ko hindi naman yun pag-iinarte ah? Ako maarte? Teka. Sa boung buhay ko, ang lalaking lang to ang nagsabi na ako nag-iinarte? At award winning? Saan niya nakuha ang bagay na yan?! Hoy!