FAITH'S POV
Hanggang sa sumapit ang alas-dose ng gabi'y hindi parin bumabalik si Matteo. Ni hindi na ako mapakali dahil sa pag-aalala sa kanya.
Makailang beses ko itong sinubukang tawagan pero mukhang nakapatay naman ang cell phone nito. Hindi ko tuloy alam kung papaano ito hahagilapin.
Hanggang sa makatulugan ko nalang ang paghihintay sa kanya, at naalimpungatan matapos maramdamang tila may humahaplos ng aking pisngi.
"Baby,"
Mabilis pa sa kidlat na nagmulat ako ng mga mata matapos marinig ang malalim na boses na yun ni Matteo. Pagkakita ko palang sa kanya'y agad ko siyang niyakap at doon ay isa-isang kumawala ang aking mga luha.
"S-sorry..."
"Hush, baby.. ako dapat ang mag sorry. I'm sorry kung bigla nalang kitang iniwan kanina." Sa sobrang gaan at lambing ng boses niya'y mas lalo lamang akong naiyak.
"A-akala ko hindi kana babalik, akala ko iniwan mo na ako.." at yun yung kinakatakot ko. "Pangako, hindi ko na ulit babanggitin ang pangalan niya,"
Masuyo niyang inangat ang muk