"How are you? May masakit pa rin ba sa'yo? Tell me."
Nanatili lamang akong nakatingin kay Sir Leandro nang lumapit siya sa kaniyang maliit na fridge. Pinaupo niya lamang ako rito sa upuan niya mismo habang sunod-sunod ang kaniyang mga tanong. Hindi ko naman magawang sagutin ang kaniyang mga tanong dahil ngayon palang nagsi-sink in sa akin ang lahat.
Papaanong nakalimutan ko na ang first love ko ay isang teacher? Ngayong naaalala ko na ito ay hindi na naman ako makapaniwala sa batang ako lalo na ngayong tila may nararamdaman din para sa akin ang lalaking teacher na 'to.
"Here. Ayos na ba sa'yo kung 'yan lang kakainin mo?" tanong niya matapos niya ilapag ang mga pagkain sa glass table niyang nasa harapan ko.
Nang tingnan ko ang mga pagkain na nilapag niya ay mabilis na kumulo