Buong gabi ay paulit-ulit kong binabasa ang sinulat ni Leo sa aking journal. Halos hindi ako makatulog at tanging 'yon lamang ang tumatakbo sa aking isipan.
Napatingin ako sa orasan.
Pasado alas-dose na ng madaling araw.
"Damn..." bulong ko bago itinakip ang journal sa aking mukha.
That guy raped the girlfriend of their friend. That guy almost killed their friend. That's why Jax stabbed him dahil sino ba naman ang hindi magagalit do'n–
"Ah! Damn it, Leanne!" Sa inis ko ay napabangon ako sa aking kama.
Baka nakakalimutan mong galit ka, Leanne? Bakit parang kumakampi ka na ata kay Jax? Kahit na galit siya ay wala pa rin siyang karapatan na saksakin ang lalaking 'yon! For h