Maghanap
Library
Home / Other / Moonlight Warriors (Tagalog) / Chapter 24

Chapter 24

Author: Chel Aguirre
2022-09-15 16:35:33
NATULALA si Clyde sa pagkabigla sa pag-alok sa kan'ya ni Callie na magtanan. Ilang segundo niya munang tinitigan ito upang tiyakin kung seryoso ba ito sa mga sinabi.

Mula naman sa kinauupuan ni Callie, kitang-kita niya sa mukha ni Clyde ang kaba at dinig niya rin ang malakas na kabog nang dibdib nito. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Hera kahapon ay nabuo ang kaniyang desisyon na lisanin na lamang ang Duncan Mills at iwanan ang mga taong naging parte ng kaniyang buhay roon upang hindi na madamay ang mga ito sa gulo sa pagitan nila ni Althaia.

Tinawanan niya na lamang si Clyde upang pahinahunin ang nararamdaman nito.

"I was just joking," bawi niya sa nauna niyang sinabi.

Nakahinga naman nang maluwag si Clyde at natawa na lang din. "You got me there for a second."

Ngumiti si Callie at matamang tinitigan si Clyde. "Pero kung totoo iyong sinabi ko... Papayag ka ba?"

Tumawa si Clyde at sumandal sa upuan sabay pinagkrus ang mga braso. "Hindi mo gagawin iyon, Callie. Alam ko kung gaano kataas
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App