Maghanap
Library
Home / Other / Moonlight Warriors (Tagalog) / Chapter 28.2

Chapter 28.2

Author: Chel Aguirre
2022-09-22 20:32:57

"HENRY nga pala, pare."

Ilang segundo munang nakakunot na tinitigan ni Clyde ang nakalahad na kamay ni Henry bago ito kinamayan.

"Clyde," matamlay niyang tugon saka ibinaling sa ibang direksyon ang tingin. Wala siya sa kondisyon para maghanap ng bagong kaibigan lalo pa't nagluluksa pa rin siya ngayon.

"I'm new in this town and I'm impressed! Napaka masayahin at welcoming ng mga residente rito. Tama nga sila, maganda ang lugar na 'to."

"Well, I hope you enjoy your stay here," tugon niya sabay inom ng beer.

"Maganda ngunit may itinatagong misteryo," dagdag ni Henry kasabay ng pagngiti niyang may kabuluhan.

Napaisip man sa sinabi ni Henry, hindi na lamang iyon tinugunan ni Clyde para hindi na humaba pa ang kanilang pag-uusap.

"I saw you earlier..." biglang sabi ni Henry dahilan para mapalingon ulit sa kaniya si Clyde, "sa sementeryo."

Tumango si Clyde at ipinagpalagay na lang na isa si Henry sa mga nakipaglibing.

"Kamag-anak ka ba ng mga Gomez?" tanong niya.

Nakangiting ikinibit ni Henry
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App