Maghanap
Library
Home / Other / Moonlight Warriors (Tagalog) / Chapter 36

Chapter 36

Author: Chel Aguirre
2022-09-29 11:14:43
"NAKABALIK na po ako, Ma, Pa," nakangiting sabi ni Calista sa kaniyang mga magulang. Naroon siya ngayon sa bahagi ng gubat kung saan inilibing ang mga ito. Kasama niya sina Marcus at Mang Sebastian sa pagbisita sa mga ito. Mabilis niyang pinahid ang luhang gumapang sa kaniyang pisngi. "Pasensya na po natagalan ako sa pagbalik."

"Nasisiguro kong ipagmamalaki ka nila kung naririto sila," nakangiting sabi ni Mang Sebastian. Nasa gilid niya ito habang may hawak na sulo upang magsilbing ilaw nila sa madilim na paligid. "Maging ako'y proud sa'yo, mahal na Reyna."

Tiningnan niya ang kaniyang mga kamay na may mantsa pa ng mga dugo mula sa mga kalahing nakalaban niya kanina... Naalala niya si Henry. Siya ang pumatay rito.

Nakagat niya ang ibabang labi nang makita ang panginginig ng kaniyang mga kamay.

"Ayos ka lang, Calista?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Marcus.

Tumango siya at pilit itong nginitian. "Oo, napagod lang ako."

"Ang mabuti pa'y bumalik na tayo sa mansiyon at nang makapagpahinga
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App