PAGKAUPO nila ay kaagad siyang tumingin sa gawi ng lalaki at hindi niya maiwasang mapahanga sa angking kagwapuhan nito lalo pa kung naka-side view at naka-serious mode ito.
"I have a business trip in France tomorrow," panimula ng lalaki at tumingin kanya.
Napakurap-kurap naman siya ng kanyang mga mata at pinikalma ang sarili. "Ano naman ngayon sa akin if may business trip ka?"
Bumuntonghininga ang lalaki. "I'm planning to bring you with me. Sabi ko nga kanina may paraan akong naisip para hindi ka ma-bored rito at ito na iyon, you will go with me."
"So, gagawin mo akong parang asong sunod-sunuran sa kanyang amo ganun ba?" nakataas kilay na tanong niya.
"Of course not, kailan ka ba sumusunod sa akin? Hindi ba't lagi kang sumasaway at saka hindi lang naman business trip pinunta ko doon, dadalhin kita sa farm ng lola ko para naman ma-relax ka, you can stay there if you want while I'm doing my job."
Natahimik siya sa narinig at matagal na minasdan ang lalaki. Minsan ang bait nito sa kanya m