"What happened to you, Levi?! Bakit mo pinahiya sa harap ng mga tao ang kapatid mo? Are you crazy?!" Umagang-umaga, sumugod ang mommy niya dito sa condo unit ni Levi.
Nagsumbong malamang si Lexi dahil sa nangyari kahapon, pinagsabihan ko din naman si Levi kahapon na dapat hindi niya pinahiya sa harap ng maraming tao ang kapatid niya. Kinausap niya nalang sana in private.
"Mom alam mo naman na mali yung ginawa ni Lexi but you paid the Principal para ipalabas na walang kasalanan si Lexi." Sagot naman ni Levi. Magkaharap ang mag-ina habang ako nasa likod ni Levi.
"That's not the case here, Levi. The fact that you let your sister make an apology in front of other people, is so dam crazy Levi! Pinahiya mo ang kapatid mo!"
"It's not my intention mom, I just want her to grow up, Mom. She's now a lady, she shouldn't act like a baby."
"She's still my baby, Levi. Is it because of Allison's niece kaya mo nagawang ipahiya ang sarili mong kapatid sa harap ng maraming tao?" She said then glared at