KINABUKASAN nagising ako sa cellphone kong nag-riring, Inaantok kong kinapa iyon sa bedside table at pupungas-pungas na sinagot ang tawag.
“H-hello? Who's this?”
“Mahal..” Bigla akong napamulat ng mata ng marinig ang magandang boses ng boyfriend ko.
“Oh, mahal napatawag ka?” Nagtataka kong tanong. Narinig ko naman sa kabilang linya ang boses ni Maricel, nangunot ang noo ko. Magkasama sila?
“Mahal, gumising at bumangon kana. Mahuhuli na tayo sa klase.” Mas lalong nangunot ang noo ko tapos bumaling sa wall clock. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang ala-siete na pala!
What the?! Akala ko madaling araw palang! Dali-dali akong bumangon.
“Mahal naman bakit ngayon mo lang ako ginising?” Tanong ko habang kinukuha ang tuwalya sa walk in closet ko. Narinig ko naman ang pag-buntong hininga niya sa kabilang linya.
“Kanina pa kita tinatawagan, Ilang miss call na ang ginawa ko. Gustuhin man kitang puntahan sa kwarto mo para gisingin ka hindi ko naman magawa dahil privacy mo ‘yan