Chapter 64 - You Look Hot!
“James! Di ba may Board meeting ka? Bakit ka nandito?” nagtataka kong tanong.
Agad namang tumayo sa kanyang pagkakaupo sa sofa si James, at agad akong niyakap at hinalikan sa labi.
Niyakap ko rin si James ng mahigpit dahil miss na miss ko na siya. “I missed you!” bulong ko sa kanya.
“Ikaw, matitiis mo pala ako!” may himig pagtatampong sabi ni James habang paupo kami sa sofa.
“Matitiis talaga kita! Pero sobra naman kitang na miss kahit na maraming guwapo sa Paris at New York.” sabi ko na pabiro.
“Ano yang dala mo?” tanong ni James.
“McDo! Fried Chicken, dinner namin ni Inday! Ito na lang ang binili ko dyan sa kanto para pagkakain, matutulog na ako. Lagi kasi akong puyat!” sagot ko.
“Okay kung magdinner tayo sa labas ngayon?” tanong ulit ni James. “Para kasing sumobra ang payat mo!”
“Sige! Magpapalit lang ako ng damit. Nakakahiya namang naka-maong ako tapos ikaw naka-formal na long sleeves.”sabi ko. “Ms. Granny lang naman ang susuotin ko!”
Mabilisan