Chapter 9 – Isang Espesyal na Regalo
“Pare parang natuntun ko na yung babae sa hotel!” sabi ni Paul sa cellphone. “Nasa office ka ba? Pupunta ako diyan!”
“Sige. Hihintayin kita. Tamang tama matatapos na ang board meeting ko.” sai ni JJ.
Kinahapunan, dumating si Paul sa office ni JJ, Managing Director ng isang Marketing at Advertising firm sa Makati. “O, Paul ano ang balita?” sabi ni JJ.
“Alam mo bang aksidenteng nakatabi ko sa restaurant sa BGC yung babae na tinutukoy mo sa Shangrila Hotel? Sa una, hindi ako sure kung siya nga yun. Pero sa kuwentuhan nila ng kanyang kaibigan, parang siya na nga yun. Room 1103 ka naka-checkin di ba? Sa Room 1105 pala siya naka booked. Ang pinaka-importante, ayun pa sa aking narinig ay hindi siya nabuntis. Pero ang nakakalungkot, nag-overdose siya ng sleeping pills at muntik ng mamatay!” pagkukuwento ni Paul. “May mga photos akong nakuha kanina. Isa pa mukhang mayaman ang babae dahil BMW ang kotseng gamit niya!”
“Ano??? Nagpakamatay!!! Tingnan nga