"Last time I asked for dinner, you dumped me. What is it today?" Pagtitimpi nito. Iniupo ako nito sa lamesa habang ang magkabila nyang braso ay nakapatong sa magkabilang gilid.
Ha? Ano bang ginawa ko? Kumain lang naman kami ng lomi kanina tapos wala naman na akong naaalala na nangyari.
Tiningala ko ito upang makita ang buong mukha dahil kahit nakaupo na ako sa desk nito ay hanggang dibdib lang ako nito.
"W-wala pa akong ginagawa." Sagot ko. Nanghihina sa sobrang lakas ng kuryente na pinaparamdam ng presensya nito.
"You're late, hmm?" Pagtitimpi pa rin nito.
Napatungo na lamang ako dahil wala na akong maisip na ipalusot. Napunta naman ang atensyon ko sa braso nito na lumalabas ang ugat dahil sa sobrang diin ng pagkakakulong nito sa akin.
"Akala ko sina Nancy ang magch-check ng mga papers dito." Paliwanag ko dahil di na ito umimik. Sa halip ay ramdam ko ang diin ng paninitig nito sa akin. O sa dibdib ko na medyo nakabukas pala ang butones ng suot kong uniform.
Mabilis ko iyong tinakpa