"Sit down and behave, lioness." Napako ako sa kinauupuan ko habang hindi pa rin diretsong makatingin sa screen ng laptop. Kahihiyan at guilty ang nangibabaw sa'kin.
"Oh my god, Luke! Don't tell me you two are official?" Kita ko ang gulat sa mga mata ng babae nang mapatingin ako sa screen. Ngunit bakit parang walang galit sa ekspresyon nito. Walang hinanakit o pagkamuhi sa ginagawa ng asawa nya.
Si sir Lucas naman ay parang maamong leon lamang na nakabantay sa bawat kilos at ekspresyon ko. Minsan lang nya matapunan ng tingin ang babae sa screen.
"Wala ka bang respeto sa nararamdaman ng asawa mo? Anong klase asawa ka? Ni hindi mo mapasaya at mapanatiling iisa lamang sya sa puso't isip mo?" Magkadikit ang mga ngipin na bigkas ko. Pabulong lang iyon sapat upang hindi mahalata ng babae.
"We're not, Mom. " tamad na sagot ni Sir Lucas.
"MOM!?" Nanlaki naman ang mata ko at humarap kay Professor Montreal na ngayon ay manghang mangha sa naging reaksyon ko.
Patawarin ako ng lahat ng mga santon