MAXIMO MONTEJO's POV
"Bumili na muna tayo ng pagkain. Marahil gutom na ang mga iyon. M-may pera ka ba dyan?" Tanong ni Hector sa akin.
Mabilis ko namang kinuha ang wallet ko at inabutan ito ng isang libo.
Bumili ito sa malapit na tindahan sa tapat lamang ng hospital.
"Saglit lang. Ibibili ko si Lilienne ng adobo. Paborito nya." Paalam nito. Ngumiti pa sa akin bago nagmamadaling bumili sa kabilang karinderya.
"Sige lang, bro."
Pagkabalik namin sa hospital. Kumakain na si Lilienne. Sinusubuan ito ni Sir Lucas. Napatingin ako kay Hector na humalukipkip na lamang.
Lumapit ito sa lamesa sa gilid ng kama. Inilapag roon ang mga pagkain.
"Hector.." tawag rito ni Madam Lilienne. Hindi nito tinanggap ang isinusubong pagkain ni Sir Lucas.
"A-ang baby ko?" Tanong ni Madam Lilienne. Lumapit dito si Hector. Siniguradong hindi masyadong malapit.
Sakto lamang upang magkarinigan sila ni Madam Lilienne. Nirerespeto nito ang ginagawa ni Sir Lucas. Kaya hinayaan nya itong manatili sa tabi ni Madam.
Kun