Late na naman ako, kinabukasan. Bukod kasi sa tanghali na akong nagising ay wala pa akong masakyan na tricycle para sana mapabilis ang pagdating ko sa campus.
Tirik na tirik ang sikat ng araw kahit na alas-nwebe pa lamang naman. Binaybay ko ang gilid ng kalsada kasabay ang iilang mga elementarya na puro pag-ibig na ang pinag-uusapan.
Noong kabataan ko, wala man lang sa isip ko ang pag-ibig. Lalo na't laging nakikita ng mga mata ko ang mga senaryong lalong nagpatindi sa kagustuhan kong huwag na lamang umibig- pananakit ng lalaki sa asawa nito, pambababae, at marami pang iba.
Bata pa ako noon pero bukas na ang isipan ko sa mga bagay bagay. Nagtatrabaho si Auntie noon sa isang bar sa Quezon, matapos malugi ang unang bar na pinagtrabahuan nito, gabi-gabi kong nakakasalubong ang mga lalaking may mga nakakatakot na ngisi, at nangangain na mga titig tuwing dumadaan ako sa pasilyo ng bar na pinagtatrabahuan ni Auntie. Stay in kami roon.
Gabi-gabi, ang mga lalaking iyon ay may iba't ibang tin