KYRAH
"My god boys bakit ngayon lang kayo?" Bungad na tanong ng pinsan ko kela miguel.
"Sorry traffic din kase e."
"Nasan sila kisha? Si eizel? Si sky at mark?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi ko alam kung isasama ni sky at ivan sila eizel at ivy e. Basta ang sabi ni ivan sakin kanina pupunta siya."
Tumango tango naman ako.
"Oh ayan na pala si Sky e. Kasama niya si kis---"
Biglang napatigil si ken sa sinasabi. Nag-taka kami at sinundan ang tinitignan niya.
Nanlaki ang mata ko.
Nagkatinginan kami ni marj. Dahil ang kasama ni sky ay hindi si kisha. Kundi yung babae na kasama ni donna kanina. Marga ba yun? Or marsi?
Natahimik ang barkada.
Nakahawak ang babae sa braso ni sky.
Mag-tatanong na sana ako ng unahan ako ni marj. Nakataas ang kilay nito.
"Anong ibig sabihin nito sky? Sino yang kasama mo? Where is kisha?"
mag-sasalita na sana si sky ng biglang sumulpot si donna. Maayos na ang suot nito. Maayos na rin ang buhok.
"What are you doing here witch?!" Galit na sabi ni marj.