Cari
Pustaka
Beranda / Romance / OFW Wife of a Billionaire / Kabanata 001
OFW Wife of a Billionaire
Penulis: Roxxy Nakpil

Kabanata 001

Penulis: Roxxy Nakpil
2024-06-18 12:06:53

KATE POV

“PAKKKKK!”

Sunod-sunod na malalakas na sampal ang pinakawalan ko sa pisngi ng aking long-time boyfriend at fiancé na si Michael nang sorpresahin ko ang aking pamilya. Matagal akong nawala, mahigit dalawang taon akong nagtrabaho sa Dubai bilang Showroom Supervisor sa pinakamalaking supplier ng baking items at ingredients sa buong Middle East—at ito ang pagbabalik na sumalubong sa akin.

"Hay*p ka, Michael!" Galit kong hinampas ang kanyang dibdib at walang pag-aalinlangang hinagis ang dala kong maleta sa kanya. "Bakit si Charlotte pa?! Sa dinami-dami ng babaeng pwede mong mabuntis, bakit kapatid ko pa?!" sumisigaw kong panunumbat, habang patuloy ang pagbagsak ng aking luha. "Napakawalang-hiya ninyong dalawa!"

Walang pakundangan kong pinaghahahampas siya ng paper bag na kapit ko na dapat ay pasalubong ko para sa kaniya. 

“Limang taon, Michael! LIMANG TAON ang sinayang mo!” Pasigaw kong dugtong habang nanginginig ako sa galit at panghihinayang sa panahong sinayang ko para sa kaniya.

Lahat ng nasa aking paligid ay tahimik lamang at wala ni isang nakapagsalita sa biglaan kong pagsulpot sa aming bahay.

Nanlilisik ang aking mata ng tignan ko ang kinatatayuan ng ang aking kapatid na babae. "Charlotte, IKAW!" Halos hindi ko maituloy ang sasabihin dahil sa dami ng emosyon na bumabara sa aking lalamunan. "Bakit si Michael pa?! Hindi ka na nahiya? Ang dami-daming lalaki sa mundo, pero siya pa talaga ang pinili mo?!"

Ilang taon kong tiniis ang lungkot at pagod sa ibang bansa para maibigay sa kanila ang magandang buhay, at ito lang ang isinukli nila sa akin?

"Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko…" Napabuntong-hininga ako, patuloy ang pagpatak ng aking luha kahit anong pigil ko. Nagbabaga ang galit sa puso ko, at sa kabila ng lahat, umaasa akong may magpapaliwanag—kahit isa lang mula sa aking pamilya. Ngunit si Charlotte, nakayuko lang, hindi man lang makatingin sa akin.

Tahimik ang lahat. At ako… naghihintay pa rin ng sagot sa sakit na hindi ko kayang lunukin.

"ATE! SORRYYYY! Huhuhu! Hindi ko sinadya ang nangyari!"

Yun lang ang naisagot ni Charlotte, patuloy na nakayuko at umiiyak nang hagulgol.

"Hindi mo sinadya?! Ano, Charlotte? Kusa bang nalalaglag ang panty mo at biglang pumapasok ang tit* ni Michael sa loob mo nang paulit-ulit?!" Galit kong singhal, nanginginig sa matinding emosyon.

"Kate! Tama na 'yan! Ang bastos ng bibig mo! Ganyan na ba ang ugali mo mula nang mag-abroad ka? Yan ba ang natutunan mo sa mga kaibigan mo roon?" Mariing saway ni Mama, galit na galit sa akin, na para bang ako pa ang may kasalanan sa nangyari. "Wala na tayong magagawa. Nangyari na 'yan! Dapat panagutan ni Michael ang dinadala ng kapatid mo!"

"Ma, alam niyo na pala?! Kailan pa?!" Napalingon ako kay Mama, hindi makapaniwala sa narinig ko.

Nauutal man, nagsalita rin sa wakas ang nakababata naming kapatid. "Ate, gusto ko naman talagang sabihin sa’yo noon pa, pero pinigilan ako nila Papa. Baka daw kasi kapag nalaman mo ang tungkol kay Ate Charlotte at Kuya Michael, itigil mo na ang pagpapadala sa amin. Ga-graduate na daw kasi si Ate Charlotte sa August..." Dire-diretsong sambit ni George, bakas ang inis at sama ng loob. "Gago yang hay*p na 'yan! Dapat diyan pinapatikim!" galit na sigaw niya, sabay umamba ng suntok kay Michael.

Bigla namang sumingit si Papa at pumagitna. "Isa ka pa, George! Tumigil ka na! Isara mo yang bibig mo kung ayaw mong pasabugin ko 'yan! Sinabihan na kitang huwag kang makialam!" Mariing banta niya, pilit pinapatahimik ang kapatid namin.

"Putsa naman!"* Napahampas ako sa ulo, hindi pa rin lubos matanggap ang narinig ko. "Hindi ko maisip kung paano kayo pumayag na hayaan si Charlotte at Michael na ipagpatuloy ang kababuyan nila!"

Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang mapagtantong limang buwan na pala silang magkasama sa bahay na ito—at walang nagsabi sa akin.

"Tshhhh! Lahat pala kayo, alam niyo na noon pa?! Ma, Pa, ano?! Wala kayong balak sabihin sa akin dahil natakot lang kayo na hindi na ako magbigay ng suporta sa inyo?!" Mas lalo akong nanlumo, ramdam ko ang bigat ng pagkakanulo nila sa akin. "Pinagkaisahan niyo ako! Sana man lang naisip niyo na malalaman ko rin ito! Sana sinabi niyo nang mas maaga para kahit papaano, naihanda ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon!"

Hirap na hirap akong pigilan ang galit at sakit na nararamdaman ko. Parang binunutan ako ng puso sa mismong tahanan na dati kong inisip na bubuuin para sa kanila.

"Aba, Kate! Napakapangit naman ng tabas ng dila mo!" Mariing singhal ni Papa, sabay turo kay Michael. "Bakit hindi mo tanungin yang fiancé mong magaling kung bakit kayong magkapatid pa ang pinatulan niya?!"

"Kaya tama na ang paninisi mo sa kapatid mo! Hindi porket ikaw ang sumusuporta sa amin ay may karapatan ka nang magsalita ng ganyan!" Dagdag pa niya, nanggigigil sa galit. "Napakayabang mo na!"

Bigla siyang sumugod sa akin, akmang sasampalin ako, ngunit agad siyang pinigilan ni George.

Napahagulgol ako, ramdam ang hinanakit. "Pa, sana kahit papaano, nagpakita kayo ng concern sa akin. Sana sinabi niyo ang totoo! Anak niyo rin ako! Kapatid ko ang nabuntis ng fiancé ko! Sana naisip niyo kung gaano kasakit ito para sa akin!"

Nanlabo ang paningin ko sa patuloy na pagluha. "At ang mas masakit pa, kinunsinti niyo si Michael! Hinayaan niyo siyang tumira dito imbes na palayasin! Kaya pala panay ang tinginan ng mga kapitbahay natin nang bumaba ako sa taxi. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit..."

Napailing ako, halos hindi na makapagsalita sa bigat ng emosyon.

Ngunit imbes na lumambot ang loob ni Mama, lalo siyang nagalit. "Aba, napakayabang mo na ngang sumagot sa amin! Pinagmamalakihan mo na kami ngayon? Hindi ba si Charlotte ang mas naagrabyado dito?!"

Halos pasigaw na ang boses niya. "Sige, sa’yo na ang pera mo! Akala mo ba hindi kami mabubuhay nang wala ang ipinapadala mo?! Napag-abroad ka lang, ganyan ka na umasta! Huwag kang mag-alala, ibabalik namin sa’yo lahat ng pinadala mo pati ang ginastos mo sa pag-aaral ng kapatid mo at ni Michael! Tutal, sasampa na siya ng barko bilang kapitan—sige, kwentahin mo lahat, singku-singkuhan ng naibigay mo sa amin!"

Matalim ang tingin niya sa akin, puno ng hinanakit. "Ingrata kang bata ka! Kapatid mo ang magbubuntis at magpapakahirap, hindi ikaw! Ngayon, paano pa siya makakapasok sa eskwelahan habang lumalaki ang tiyan niya, lalo na’t hindi pa man lang siya naikakasal?!"

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi ko maintindihan ang mga magulang ko. Parang hindi ako ang anak nila.

Tumalikod na lang ako, hindi na kayang pakinggan pa ang mga masasakit na salitang ibinabato nila sa akin. Walang lingon-lingon, walang sagot. Para akong nabingi sa lahat ng sinabi nila.

Dala lang ang aking shoulder bag at hand carry luggage, lumabas ako ng bahay.

Wala na akong maramdaman. Para akong manhid.

Narinig ko ang pagtawag ni George, pilit akong pinipigilan, pero wala na akong lakas para lumaban.

Walang pag-aalinlangan, sumakay ako sa unang dumaan na taxi—at tuluyang iniwan ang lugar na minsang tinawag kong tahanan.

“Kuya sa airport po tayo!” Humagulgol kong sabi sa driver .

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi