AT THE HEAD OFFICE
DUBAI BRANCH
Pagdating ko sa Head Office ay nagtungo na muna ako sa receptionist area. Simpleng jeans at t-shirt lang ang suot ko na tinernuhan ko ng doll shoes at sling bag , tinirintas ko lang din ang buhok ko para bumagay sa awra ng outfit ko. Hindi na ako nag formal attire dahil hindi naman ako sinabihang mag-du-duty ni Madam Isabel nung nag message siya sa akin kahapon.
"Hi Zel (bati ko sa receptionist naming Pinay, inabot ko sa kanya ang isang supot na naglalaman ng pasalubong ko sa kanya mula Pinas) Dumating na ba si Madam Isabel?" tanong ko sa kanya
Nakangiti naman ito ng buksan ang binigay kong pasalubong "ay dai! nagbakasyon ka pala. salamat dito , Oo nandiyan na siya halos magkasunduan lang din kayo. Kakapasok lang din niya sa loob" sabi naman niya sakin
"Sige puntahan ko muna maya na lang tayo mag chikahan aah!" sagot ko naman sa kanya
"sige, sige!" sagot naman niya sakin
Naglakad na ako papasok. Pinag buksan pa niya ako ng pinto dahil wala akong