JAMES POV
Masaya akong uuwi ngayon ng Cebu dahil sa balitang sinabi sa akin nila Daniel. Ngayon hindi na ako mahihirapang gumawa ng dahilan para mahiwalayan si Scarlette sakaling matuloy ang kasal namin. Pero dahil sa hindi ko pa alam kung saan ako magsisimulang maghanap kay Kate ay minabuti ko ng mag hire din ng private investigator , mas maraming naghahanap mas maganda para mapabilis na makita ito sa lalong madaling panahon. Nauubusan na ko ng oras kung aasahan ko lang si Daniel na magpahanap . Kailangan ko na ng extra tulong . Mayroon na lang akong dalawang linggo para mahanap si Kate.
“Hello Detective Ivan, good morning this is James Santiago” bungad kong pagbati dito
“Hi Mr.Santiago nice to hear your voice again. Kamusta na ba?” Sagot naman nito sakin
“Im good Detective, kakailanganin ko sana ang tulong mo ulit ngayon. Pero this time as soon as possible. “ sagot ko naman
“Walang problema diyan Mr.Santiago kilala mo naman ako. Hinding hindi ka magsisisi sa pagkuhang muli sakin.” S