“Kaya in-assure ko si Manang na hindi sya mawawalan ng trabaho at hinding hindi ko sya iiwan. Sa totoo lang noong una nakitira lang talaga ako kila Maika dahil nga masyadong feeling independent ako hindi ako tumanggap ng kahit na anong suporta mula sa family ko, although alam kong sa side ni Mommy is meron talagang sumusunod palagi sakin. At yung savings ko sa bangko ayun ang ginamit ko. Dahil nga may kaya din talaga sila Maika kaya yung condo niya pinahiram niya muna sakin. Dun kami tumira ni Manang. Alam mo bang kahit na wala akong pampasahod kay Manang that time ay okay lang sa kaniya, wala kasi siyang asawa at anak kaya ako na lang talaga ang parang pinagbuhusan niya ng panahon" sabi ko sa kaniya
“I can't imagine ang trouble na dinala ko sa pamilya ko. Palaging nag-aaway sila Mommy at Daddy kasi nga matigas ang ulo ko. Gusto ni Mommy na kuhain ako at si Daddy namin pinabayaan niya lang ako para daw matuto ako sa buhay. Sobra ang naging tensyon sa pagitan namin ng parents ko.Kaya