NATALIE POV
“Thank you for being honest with me! Alam kong mahirap sa’yo na ikwento ang mga nangyari noon, pero pinagkatiwalaan mo ako,” malambing na sabi ni Haime habang hinahaplos ang kamay ko. Sa kabila ng ngiti niya, naramdaman ko ang bahagyang lungkot sa kanyang mga mata. Parang may iniisip siya, pero hindi ko na pinilit alamin.
Napangiti na lang ako at hinayaan ang katahimikan naming dalawa.
“Let’s go take a bath,” pag-aya niya, sinasabayan pa niya ng pag haplos sa buhok ko.
“Mauna ka na, hon. Gusto ko lang mag-relax saglit,” sagot ko, pinipilit ipikit ang mga mata.
“Okay. Magha-half bath na lang ako.” Hinalikan niya ako bago pumasok sa banyo.
Habang nakahiga, nakatingin lang ako sa kisame. Sa kabila ng saya ko sa relasyon namin, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Mahal na mahal ko si Haime, pero laging may takot sa puso ko. Parang napakaperpekto ng lahat masyadong maganda para maging totoo. Parang anytime may biglang hindi magandang balitang sasabog sa harapan n