Napansin kong ang babae ay ang Mommy ni Natalie at ang lalaki naman ay ang Daddy niya na may umaalalay na. Kasabay ng mga itong naglalakad ang isang mag-anak na kung titignan ay nasa mid-age pa. Mukhang mga professional ang mga ito sa tindig, at klase ng kanilang pananamit. Magaganda ang mga kasuotan nito, at mukhang alam nila ang dress code sa lugar na ito. Makikita namang sophisticated at may pinag-aralan ang mga ito dahil sa kanilang kilos. Mukhang ito ang adopted brother na sinasabi ni Natalie sa akin.
Nakangiti ko silang sinalubong. Magalang kong pinakilala ang sarili ko sa kanila. Sa totoo lang kilala ko ang ang mga taong harap ko ngayong gabi, dahil na din sa tulong ng imbestigador na kinuha ko .Palagi akong nagpapa send ng mga picture sa kanila para maging updated ako sa ngyayari. Imbestigador ang palagi kong kausap sa email at ito din ang laging tinatawagan ko sa tuwing nagtatago ako kay Natalie upang makipag ugnayan ay maplano ng maayos ang araw na ito. IMbestigador din