THIRD PERSON POV
Mabilis na lumipas ang araw.
Dumating na ang petsa ng pinakahihintay nilang lahat. Iyon ang pag-iisang dibdib ni Natalie at Haime. Gaya ng napagkasunduan one week before ang kanilang wedding ay personal na sinundo ni Natalie ang kanyang pamilya sa US gamit ang private plane nila Jethro. Kasama niyang nagbyahe ang mga kaibigang nurse at doktor na aalalay sa parents niya at magmomonitor during the floght. Nag leave ang mga ito ng 2 weeks para sa event na yun.
Sa bahay ni Natalie tumira ang kanyang parents at family ng kuya niya. Hindi din muna siya nag stay sa Condo ni Haime dahil gusto niyang pagsilbihan ang kaniyang family habang nasa Pinas ito.
Isang magarbong handaan ang gaganaping kasalan nila Natalie. Hindi naman kinuwestiyon iyon ni Natalie . Hinayaan niya ang kanyang mother in law ang mag-decide pag dating sa reception dahil excited ito sa kanilang kasal. Mataas din ang standard nito sa pagpili sa lahat ng kanilang kakailanganin , makikita dito na sopistik