Nakatayo si Natalie sa gitna ng kanyang bagong opisina, hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi habang iniikot ang tingin sa paligid. Napakaganda ng espasyo ,parang sinadya ito upang magbigay ng inspirasyon sa kanya habang nagtatrabaho. Ramdam niya ang effort ni Haime sa bawat detalye, mula sa earth-tone na tema hanggang sa maingat na pagpili ng mga kagamitan.
“Hon, napaka-ganda naman dito!” wika niya habang hinahaplos ang ibabaw ng wooden table.
Tumayo sa likod niya si Haime, inihilig ang baba sa balikat niya, at malambing na hinalikan ang kanyang ulo.
“Gusto mo ba? Sabi ko na magugustuhan mo ito,” sagot nito na may ngiti sa labi.
“Of course! Parang ito na yata ang dream office ko!” sagot niya habang iniikot ang swivel chair na nasa harap ng mesa. “Thank you, Hon.”
Naglakad si Haime papunta sa gilid ng malaking wooden cabinet na nasa likod ng mesa. Tumigil ito at lumingon kay Natalie, may makahulugang ngiti.
“Come, hon. I'll show you something,” anyaya nito habang iniabot ang kanyang